May dalawang mag-asawa na ulianin. Marami na silang nakakalimutan kaya nagpunta sila sa doktor. . .
Doktor : Wala naman pong problema sa inyo. Ang gawin n’yo nalang, isulat nyo kung anong gusto n’yo matandaan.
Mag-Asawa : Thank you po!
Pagdating sa bahay. . .
Babae : Paki kuha naman ako ng ice cream.
Lalaki : O sige!
Babae : Isulat mo para hindi mo makalimutan.
Lalaki : Ano ka? Matatandaan ko yun! Kailangan mo ng ice cream!
Babae : Tapos gusto ko ng strawberry toppings. O, siguro naman susulat mo na para matandaan mo.
Lalaki : Ay naku! Matatandaan ko yun! Kailangan mo ng ice cream na may strawberry toppings!
Babae : O sige. Ay oo nga pala! Gusto ko ng whip cream kasama sa ice cream. O ano? Susulat mo na ba?
Lalaki :Hindi! Matatandaan ko yun! Kailangan mo ng ice cream na may strawberry toppings na may kasamang whip cream!
Tapos pagbalik ng lalaki sa kwarto nila. . .
Babae : Bakit dinalan mo ako ng bacon at itlog? Nasaan na yung tinapay ko?